Hindi ako marunong magalit. Naiinis, naaasar ako minsan pero di pa naman ako nagagalit. Kung may nasabi man akong masama sa ibang tao ganun lang talaga ako. May pagka taklesa kasi ako. Pero marunong naman ako mag sorry.
May nagtanong sa akin na hindi ko naman kilala, bakit daw ako madalas umiyak. Hahaha. Ay paano nya nalaman na hobby ko yun? Nabasa pala nya sa facebook ko. Sinagot ko naman ng totoo.
Madali akong basahin. Kung kilala mo ako alam mo agad pag naiinis ako, nabibwisit, naiirita or masakit ang tyan. Tanungin mo ako hindi ako magsisinungaling. Except siguro kung super personal na.
Bakit nga ba ako malungkot? HIndi naman kasi madali makalimot. Lalo na kung nagtiwala ka at naniwala sa mga pangako. Pero galit ba ako?
Hindi. Marunong ako magpatawad. Kung tatanungin mo ako ngayon kung gusto kitang makitang masaya sasabihin ko oo. Pero kung masaya ka dahil may iba ka na eh please lang wag mo muna pakita sa akin. Please lang.
Nasasaktan pa rin ako. Kasi hanggang ngayon gulat ako at di ko pa rin naiintindihan. Hindi naman ako bobo kaso biglaan lahat.
Isang araw lang masaya ako di ko alam babawiin sa akin yun kinabukasan. Akala ko magiging masaya ako kasi kasama kita. Hinanda ko na naman sarili ko na minsan magkakasamaan tayo ng loob, minsan mali ang gising ko, minsan ikaw ang mali ang gising o di kaya minsan tinotoyo ako.
Pero di ko lang nahanda sarili ko na bigla ka na lang bibitiw. Ayaw ko ng sumbatan ka pa kasi pagod na ako. Pagod na ako sa kakaisip kung anong nangyari. Hahayaan na kita. Sana maging masaya ka.
to be upfornt, im not happy at all coz ur not here beside me
takecare! :*:*