Minsan may mga taong sasaktan ka pero di ibig sabihin nun di ka na dapat magtiwala ulit. Kahit na magmahal ka ng sobra sobra hindi ibig sabihin nun mamahalin ka din nila.
Kahit na gaano ka pa kabait may taong hindi ka gusto. Minsan kahit ikaw ang handa sila hindi. Kahit gusto mo pa ibalik ang nakaraan hindi na pwede.
Hindi madaling baguhin ang ugali ng isang tao. Pero naniniwala ako na merong isang tao na tatanggapin ka kahit na laging mainit ulo mo, magulo parati buhok mo at kahit na napakadaldal mo.
“hindi ako nag sinungaling sayo” Minahal kita ng totoo at isa ka sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko… salamat! mwahmwah! :*:* mag iingat ka palagi at palagi ako nandirito para sayo…
Hmmm…wala naman akong sinabi na nagsinungaling ka. Hindi din sa akin mawawala na mainis ako dahil hindi mo ako kinausap ng maayos dinaan mo lahat sa chat. Hindi ko man lang alam kung anong nangyari dahil binigla mo na lang ako sa desisyon mo. Sa tingin mo hindi masakit yun?